Imbak para sa Nobyembre, 2010

Susuporta ka ba sa National Unfriend Day?

Sa isang banda may punto si Jimmy Kimmel sa sinabi niya sa kanyang programa. Dati naman walang Facebook pero may kaibigan ka at magkakaroon ka. Napaka-imposible din na maging kaibigan mo ang daan at libong tao sa profile mo ng ganon na lamang at lahat sila ay papansinin lahat ng nilalagay mo sa Wall mo. Sorry, pero kahit ako tingin ko sa mga naglalagay sa Wall nila sa Facebook ng walang katuturang mga bagay, nalalapit sa kulang sila sa atensyon.

Nakapuntos ang Twitter sa Facebook dito. Kase tinatawag nila sa profile mo ang friends mo na Followers, na kung saan akma naman. Sa ibang tao kase, malalim ang kahulugan ng ‘Friends‘ o ‘Friendship‘. Sinira at binago daw ni Zuckerberg ang tunay na kahulugan nito lalo na sa mga nakababata.

Sa dami ng gumagamit ng Facebook ngayon at sa mga naghahanap ng paraan para patayin ang oras nila gamit ang internet, bawas puntos ito sa FB lalu na’t suportado ng artista sa ‘merika panawagan nya. Simula na ba ‘to ng unti-unting pagbagsak ng peysbuk?

Facebook Icon

Ikaw, sasama ka ba?

Advertisements

Wala na ang NU107

NU 107

Nitong nakaraan lamang, biglaan ang anunsiyo ng FM Station na NU107 dito sa Pilipinas na huling broadcast na pala nila nitong sabado. Nag sign-off na sila effective November 7, 2010. Andito mga detalye sa pahina ng Wikipedia.

Sa mga kasisibol lang na kabataan ng henerasyon ngayon, malamang bale wala ang stasyon na eto sa FM. Kase mas normal sa FM na pakikinggan natin ngayon sa Pilipinas, yung mga nagtatawanan, daldalan, at mga nagpapatugtog ng mga hindi ko maintindihang mga tugtugan ngayon. Produkto ng sumikat dahil sa milyong viewers sa YouTube, wala ng pakialaman kung maganda o maingay ang mga awitin at kanta ngayon. Marahil dahil sa mas namulat ako ng 90’s, kung ikukumpara mo ang tugtugan ngayon, wala talaga akong makitang katuturan sa mga pinpatugtog at ginagawang kanta ngayon (sorry po!).

Balik tayo sa NU. Para sa ilan, sila daw ang Rock Station na umusbong sa Pilipinas. Kung medyo late bloomers (50’s-70’s) RJ malamang ang para sa kanila. Kung medyo 80’s to late 2000, NU107 ang mas kilala pagdating sa pure rock music na maririnig mo sa FM. Pero para sa ken, parang hindi nila nabigyan ng credit ang radio station na LA 105.9 (wala na ang orig na LA, sister company na lang ng RJ ang umeere ngayon, check nyo dito). Pwede nyo sila makita sa Facebook at pakinggan ng livestream dito.

Ang alam nila sa NU 107 nagsimula o narinig mga demo song ng Wolfgang, The Teeth, Razorback, Backdraft, Death By Stereo, Tribal Fish, at iba pang bandang sumikat at nalaos na sa ngayon. Ang ilan sa kanila, na-disband, nag buo ng bagong banda, nag-solo, naging adik, nag-migrate at guamgawa pa rin ng kanta sa ngayon. Pero ganumpaman, malaki pa rin ang naging papel ng NU sa musikang pinoy lalo na sa mga bumubuo ng banda kase sila ang tumagal na umere sa atin pag dating sa mga rock music.

Sana kung anuman ang papalit o ma-reformat ang  NU, rock station pa rin sila. Wala na kaseng stasyon sa FM ngayon sa pinas na mapapakinggan na maayos-ayos ang mga pinapatugtog. Sana mabuhay uli ang dating ginagawa ng LA at NU ng 90’s na concentrate sa music. Hindi dahil sa sikat ang artist, milyon ang viewers sa YouTube ng video nila, maangas ang MTV nila, kundi mag-focus sa uri at kalidad ng kanta o awit na ginagawa o tinutugtog nila. Pinatay niyan ang musika sa mundo, kung hindi mababago yan tuluyang wala ng matinong tugtugan maririnig ngayon.

PS.

Sana wag lang NU 107 ang i-credit natin. Ang dating LA 105.9 din at RJ-FM ang haligi ng original homegrown rock music dito sa Pilipinas.

Kelangan ba talaga motor mo maingay?

tambucho

Marami sa ngayon ang nagmo-motor at dahil sa mura na at nagkalat ang mga tindahan ng mga bilihan ng motor, sa halagang P2,000 lang makakapag-uwi ka na ng bagong motor na hulugan (galingan mo lang sa pagpapakita ng mga papeles). Wag na natin pag-usapan kung maghe-helmet sila o magmamaneho ng sabog. Sitahin mo man yan, eh kung trip talaga nila wala naman ng magagawa.

Nakakapagtaka lang, kinababaliwan nila ang pagse-setup nila ng mga motor nila na papalitan ang mga stock na parts ng mga pyesa na hindi mo maintindihan kung sasali ba sila sa exhibit o fashion show ng kanilang motor. Walang masama sa pag-setup kung yun ang trip ng may-ari. Nakaka-badtrip lang yung ingay na dinudulot nila kapag nagmamaneho na sila.

Kakabitan nila ng speaker na puro kalansing lang, walang bass. Ano yon, may party ba sa byahe? Papalitan ang tambucho ng ke-ingay ingay na feeling nila pag-binomba nila gasolina, cool ang dating nila. Eh kung tapat kaya nila tenga nila sa butas ng tambucho tsaka nila i-gasolina?

bad trip!

Bibilis daw pag malaki butas ng tambucho. Anak ng pating. Ganon na ba talaga ka-desperado ang mga driver ng motor ngayon. Kumarera, mag-cut pa-overtake at mag-counterflow. Dapat pinapalabas sa tv hindi lang sa internet, mga nahahating katawan at namamatay na driver ng motor na ganito.

Ikaw ba naman, magmamaneho sa motor mo na wala ka ng maintindihan sa nangyayari sa paligid sa ingay ng sounds mo. Ano naging cool doon? Wala sa ayos. Ang korni ng trip nyo. Namemerwisyo kayo ng nananahimik. Alam naman ng tao na naka-motor ka at dadaan ka, hindi mo na kelangan mag-ingay.

Yosi Kagigil

Yosi Ka

Masama daw ang manigarilyo. Mababawasan ang taon  na itatagal mo sa mundo. May mga doktor din namang nagyo-yosi. Marami ding kababaihan ang naninigarilyo. Patagong naninigarilyo ang mga nakakabata, cool kase ang dating sa eskwela pag nasa tambayan.

May pagkakaiba ba ang naninigarilyo sa hindi naninigarilyo pagsapit na kukunin na siya ni Lord? Minsan nga yung humihinto sa paninigarilyo sa tagal ng panahon nya ng pagyo-yosi ang dahilan ng maaga nyang pagka-tigok.

Madumi nga lang tingnan sa paningin ng iba kase mausok. Nasa tao na lang yon kung papaano nya dadalhin o didiskratehan itsura nya. Pwede ka namang di magyosi araw-araw, o kaya kung may okasyon lang. Diskarte mo.

Ang pangit lang yung ipapangalandakan mo na nagyoyosi ka. Yun kulang na lang ipagsigawan mo sa buong mundo na NAGYOYOSI AKO! Walang pakialam sa’yo ibang tao kung tumitira ka pa ng bato. Irespeto mo lang ang nakapaligid sa’yo. Na hindi lang ikaw ang tao sa mundo na walang napeperwisyo sa pagyoyosi mo.

Pinagkunan: Balita

Imahe: PinoyCsers

Bawal ang Mani?

Sarap ng Mani

Para sa mga nagdadalang-tao o buntis, hindi daw maganda ang pagkain ng mani. Napatunayan daw sa isang pagsusuri na magdudulot ng mapanganib na allergy sa kanilang magiging supling ang pagkain ng mani. Basahin nyo yung ibang detalye dito kung gusto nyo malaman.

Ewan ko sa kanila. Basta masarap kumain ng mani.. Oo.. Yung maning kalbo, para hindi makalat pag susubo na.

Pinagkunan: MedGuru

Sunog sa SM

SM Cubao

Nasunog daw SM sa Cubao? Nabalitaan nyo ba? Hmmm, itatanong nyo siguro, eh ano naman ngayon? Kungsabagay, sa dami ba naman nilang branch kita lang ng isang outlet maghapon bawi na nila lahat ng nasunog at nasira sa building nila.

Sa laki ba naman ng kinikita nila at sa haba ng oras na bukas sila, kahit masunog o magiba o sumabog building nila, ok lang siguro para may panahon sila para kumpunuhin at ayusin muli ang tindahan nila. Kase masisira ang benta nila pag sinara ng ilang araw, sayang ang dami ng tao na dumadaan at mapapsadyang mapabili.

Iba talaga pag bigatin na.

Pinagmulan: Yahoo

%d bloggers like this: