Kelangan ba talaga motor mo maingay?


tambucho

Marami sa ngayon ang nagmo-motor at dahil sa mura na at nagkalat ang mga tindahan ng mga bilihan ng motor, sa halagang P2,000 lang makakapag-uwi ka na ng bagong motor na hulugan (galingan mo lang sa pagpapakita ng mga papeles). Wag na natin pag-usapan kung maghe-helmet sila o magmamaneho ng sabog. Sitahin mo man yan, eh kung trip talaga nila wala naman ng magagawa.

Nakakapagtaka lang, kinababaliwan nila ang pagse-setup nila ng mga motor nila na papalitan ang mga stock na parts ng mga pyesa na hindi mo maintindihan kung sasali ba sila sa exhibit o fashion show ng kanilang motor. Walang masama sa pag-setup kung yun ang trip ng may-ari. Nakaka-badtrip lang yung ingay na dinudulot nila kapag nagmamaneho na sila.

Kakabitan nila ng speaker na puro kalansing lang, walang bass. Ano yon, may party ba sa byahe? Papalitan ang tambucho ng ke-ingay ingay na feeling nila pag-binomba nila gasolina, cool ang dating nila. Eh kung tapat kaya nila tenga nila sa butas ng tambucho tsaka nila i-gasolina?

bad trip!

Bibilis daw pag malaki butas ng tambucho. Anak ng pating. Ganon na ba talaga ka-desperado ang mga driver ng motor ngayon. Kumarera, mag-cut pa-overtake at mag-counterflow. Dapat pinapalabas sa tv hindi lang sa internet, mga nahahating katawan at namamatay na driver ng motor na ganito.

Ikaw ba naman, magmamaneho sa motor mo na wala ka ng maintindihan sa nangyayari sa paligid sa ingay ng sounds mo. Ano naging cool doon? Wala sa ayos. Ang korni ng trip nyo. Namemerwisyo kayo ng nananahimik. Alam naman ng tao na naka-motor ka at dadaan ka, hindi mo na kelangan mag-ingay.

Advertisements
    • Gibe
    • Nobyembre 9th, 2010

    Insan,

    hindi lang ingay ang badtrip jan sa tanbucho ng motor, mas nakakabadtrip kasi yung naglalakad ka na nga lang sa tabing daan dahil wala kang wheels tapos tatamaan ka pa ng hinayupak na hangin ng tambucho na parang ina-armalite ang mukha mo…nak ng jueteng maingay na nga, talagang nakatapat pa sa ulo ng mga tao ang bukana ng tambucho. badtrip yun brad badtrip…sana may magdesign ng tambucho na sa mukha ng driver nakatapat yung butas…

    Nababadtrip
    Gibe

    • Halong kayabangan na lang sa katawan at kakulangan sa atensyon ang mga gumagawa nyan Insan. Nakakapagtaka kung bakit kelangan nilang gawin yang pagpapa-ingay na yan na maaari naman magpatakbo gamit ang normal na setup ng motor na gingagamit nila. Isa pa, ang pinagga-gagawa ng pamahalaan natin. Nasasalamin ang kurapsyon sa basta issue ng issue ng rehistro ng mga ‘to, na hindi nila alam totoong nangyayari sa kapaligiran.

      Wala na silang pakialam sa mga standards. Basta kung may pera ka, kahit lagyan mo siguro ng pakpak ng eroplano o elisi ng helikopter ang motor o kahit anong sasakyan, maniwala ka magkakarehistro o papayagan din nila. Iba nagagawa ng pera. Sa mga walang pera naman, grabe ang pagka-kulang sa pansin nila.

      Sobrang Bad Trip Talaga.

      Jon

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: