Imbak para sa Disyembre, 2010

Jailbreak sa PS3

Sony PlayStation 3

Naglalaro ka ba ng PlayStation? Yung sa console. Hindi yung maliit. PSP yon. Syempre kung nandito ka sa Pilipinas at hindi mo ma-afford bumili ng original games non, mas prefer mo na laruin yung mga downloaded at kopya lang. Pero mas strict ang PS3 pagdating dyan compared sa PS2 & XBox.

Galing ako sa Greenhills kahapon and pwede na pala laruan ng pirated games ang PS3 as long as 3.4+ ang version ng firmware ng unit mo and hindi pa updated sa version 3.5+ via online. Kung madalas mong ginagamit sa pago-online PS3 mo, malamang updated na yan and yun ang tama & dapat mong ituloy.

Pero kung hilig mo lang malaro yung campaign or mission ng game tapos maraming game titles ka na gusto laruin, and pang sarili mo lang and di mo naman ibebenta o pagkakaperahan, pwede mong i-jailbreak ang PS3 mo. Nandito lahat ng list ng games http://bit.ly/dGxCEB (naa-update ito)

May gagamitin ka lang na dongle. USB type pero hindi pangkaraniwang flash drive. Ang maganda pa dito, walang imo-modify o babaklasin sa unit ng PS3 mo. Ibu-boot mo lang PS3 mo nakakabit nito & pag ayaw mo na ng Jailbreak, ire-restart mo lang PS3 mo na wala na yung Dongle. Iba-iba ang price ng Dongle nila. Merong P2k tapos free 3-5 games. Meron namang P1,800 pero walang games P1,500 pag yung dongle lang. Depende sa pwesto na mapagtanungan mo. Maganda kung dala mo unit mo & papa-test mo bago mo bilhin. Wag ka mag-alala, walang babaklasin sa unit mo. Tapos pwede ka ding magpalagay ng games kung may dala kang external drive. May listahan kaya pwede ka makapamili.

PS3 USB Dongle

PS3 USB Dongle

Normal naman ang PS3 pag nakakabit ito. Pero yung privilege mo sa online network ng Sony Playstation pwedeng i-ban o i-revoke ka. Kaya pang-offline lang talaga. Kaya lang pag inalis mo na ang dongle at nag-online ka, automatic maga-update ang unit mo. Sa latest version hindi uubra ang dongle, unless i-upgrade din ng mga hackers ang content ng USB.

Siguro next month. Next year. Mabibiyak na naman ng mga hackers yan kahit gumawa pa ng updates ang Sony lalo na sa mga updated version ang unit nila.

Pinagmulan: Dukio, PSJCL and MakeUseOf

Unlimited Mobile Surfing

Iba ‘to. Wala sa promo ng Smart, Globe o Sun. Kelangan mo lang ng at least P2 na load. Hindi mo nga lang gagamitin yung included na SIM sa plug-in modem mo.

UNA MUNA

  1. Kung open na modem nyo, hindi nyo na’to kelangan gawin. Pwede nyo i-unlock modem nyo ng hindi na kelangan i-reflash. Download, extract and i-run nyo lang eto. Gumagana 100% sa ZTE modems.
  2. Close nyo muna connection ng internet & exit din kayo sa Dashboard.
  3. Select nyo yung manufacturer nyo ng modem.
  4. Click nyo yung ‘magnifying glass’ – para mahanap yung nakakabit nyong modem.
  5. Login lang kayo once ma-detect name ng modem nyo.
  6. Click nyo ‘Unlocking Menu’ tapos piliin nyo ‘Unlock’.
  7. Intayin nyo lang hanggang sa mag-prompt na ‘Unlock is successfully done’.

Paalala:

  • Dapat ang  privilege nyo sa user sa computer is ‘Administrator’.
  • i-DISCONNECT nyo connection nyo sa Internet & wala kayo sa DASHBOARD.
  • Eto pa yung ibang way. Use at your own RISK.

PANGALAWA AT HULI

Download, install and extract nyo UltraSurf dito.

For SMART

  1. Open the Modem Software
  2. Click the Settings
    Smart-1
  3. Click Network Settings
  4. Click Config File
  5. Select Add
  6. Follow this format and click OK
  7. Select Profile Name na ginawa mo & click ‘Set to default’
  8. Pagkatapos ma-configure ang Network Settings, click nyo ‘internet'(purple circle icon) then click ‘Connect’
  9. (Optional) Just in case di gumana, pwede nyong i-override settings manually.
    Select nyo lang “Manual Proxy Settings”Proxy: 10.102.61.46
    Port: 8080
    Other working Proxy: smartbro.com:8080

For GLOBE

  1. Open UltraSurf & click ‘Option’
  2. Click ‘Proxy Settings’
  3. Select ‘Manual Proxy Settings’
     

    Proxy: 203.177.42.214
    Port: 8080

    192.40.100.20 100% working

    Other working proxies:

    203.177.91.131:80
    202.149.67.82:8080
    118.97.234.253:8080
    119.252.162.120:8080
    202.51.107.34:8080
    222.124.213.118:8080
    210.23.77.200:8080
    125.162.242.160:8080
    201.18.15.11:8080
    192.40.100.20:8080

    Click OK after configuring

  4. Wait..

CONFIGURE BROWSER

Mozilla Firefox po ang sample dito.

  1. Punta po kayo ng Tools -> Options
  2. Tapos Advanced – Network – Settings
  3. Set nyo lang sa 127.0.0.1 yung HTTP Proxy and 9666 ang Port, then click OK 

Mga Pinagmulan: UltraSurf, DcCrap at marami pa sa Symbianize.

Gaganahan ka dito

Kung ganito lang ba ang team o grupo ng sasagip sa’yo kung sakaling di ka na makahinga, ewan ko na lang kung hindi ka ganahan pag inatake ka. Nga lang kelangan makontrol mo, kase pag hindi, baka matuluyan ka.

Tsk tsk tsk. Kelan kaya magkakaroon ng ganitong volunteer sa Pilipinas?

Repost lang ‘to

Pinagmulan: Super Sexy CPR

Spider Riff

Mahirap sa simula. Pero sa katagalan at laging ginagawa, mahahasa din ang daliri at kamay. Pagagapangin mo daliri mo sa fret ng gitara. Whew! Hirap.

Bangis talaga ni Mustaine. Orig at lupet ng trademark nya sa pag-sipra ng gitara.

Dave Mustaine
Megadeth

Squealing Guitar

Naalala ko pa sya. Sayang wala na sya. Binaril sya. Trademark nya magpaiyak sa pitch ng gitara. Galing. Wala na yatang makakagawa ng ganitong mga innovations sa pagpapatugtog ng gitara. Sayang talaga. Nami-miss ko tugtugan nila.

Yung tugtugan ngayon… wala kong masabi. Pinapatay na nila ang rock scene.

Hindi lang sa Pilipinas. Buong mundo.

RIP Dimebag Darrell
(Pantera – Lead Guitar)

Defriending?

Hindi na daw Unfriend. Bakit? Ewan ko din.

Defriending

Hindi na Unfriend

Pinagmulan: Cracked

Nakakabato na talaga ang Facebook

Nabalitaan mo na ba? Nakita mo na ba? Di mo alam? Ah di ka pa nakapagbukas. Yung sa Facebook. Oo, bago na naman yung layout nila. Pero ano naman pakialam natin, halos lahat ng walang magawa Facebook na lang aatupagin basta may laptop o desktop o kaya cellphone na may wifi na makaka-access sa Internet.

Ilan sa mga pagbabago ay ang sumusunod:

  1. In your face ang pictures. Lahat ng magta-tagged sa’yo hihilera sa tuktok ng wall mo. Para mawala kelangan i-close mo pa isa-isa.
  2. Ads ads ads. Lumaki yung right side Ads nila (syempre dyan sila kikita). Mula sa 170px naging 240px. Sumusunod sa layout ng Friendster at MySpace.
  3. Small font. Pansinin mo, yung font size mo sa wall mo, pinaliit nila.
  4. Application Tab. Wala na yung link mo sa ibabaw ng Wall mo para makapunta ka sa Photos, Info, etc. Nasa kaliwa na sila.. Ang masama pa dito yung link sa Discussion, Video, Events tinanggal nila.

Maraming nainis. Marami ding natuwa. Isa kong na-bad trip kase gumagawa ako ng business page ng may profile sa Facebook sa kanilang negosyo o kalakal na may link ng Facebook o Twitter account nila sa kanilang web site. Hindi ko naman concern ang pagbabago o re-layout nila kaya lang, sankaterbang paliwanag inaabot ko sa may-ari kase nagtatanong sila bakit iba na o bakit may nawala, naiba, etc.

Sa madali’t salita, research na naman & pa’no ma-convinced yung may-ari na sumabay sa kung ano meron. Hindi ko na pahahabain. Curious lang ako doon sa bagong position ng tag photos na nasa itaas na ng ‘Wall Post’ section ng bawat profile. Kung ita-tagged o may magta-tagged sa’yo, pirmi itong hindi magagalaw at pwedeng mong hatiin ang malaki mong picture para ma-occupy nito ang limang (5) slot sa itaas na nasa kanan ng primary picture.

New Facebook Profile

Sa kabilang banda, kung sakaling may mag-tagged sa’yo , click mo lang yung (x) para mawala pero yung tagged photo na yon, nasa profile pictures pa rin yon. Kung mahirap intindihin, sa umpisa parang bale-wala lang ang arrangement pero tingnan mo ng matagal, parang isang malaking picture ito na na-disect. Parang jigsaw puzzle.

Facebook Profile Layout

Nag-sample ako sa profile na ito. Hindi ko na binago yung primary picture kase kaputol lang naman ang lalabas. Kung creative ka at malawak imahinasyon mo, makakagawa ka ng kakaiba at kwento sa pag-biyak mo sa pictures mo.

Nasa ibaba yung link kung papaano ii-slice o ika-cut yan gamit ang kung anumang imaging tool meron sa computer mo (pwede sa Paint). Kung may Photoshop ka, mas mainam. Kelangan mo lang ng konting kalikot sa interface non(kung bago ka pa lang gagamit non) pero kung bihasa ka na gamitin, marquee tool, copy-paste, save to web & device, etc. Alam mo na kung ano ibig kong sabihin.

Nasa tutorial din sa link yung template, pwede mo i-download at instant may sukat na yung image mo. Pero ako, tantyahan lang ginawa ko (mabilisan lang kase)..

Goodluck!

Pinagmulan: TechCrunch at Gremlin Media

%d bloggers like this: