Tambay ka ba ngayon?


No Vacancy

Walang Bakante

Wala ka bang trabaho ngayon? Natanggal ka ba sa pinapasukan mo? Bagsak ka na naman ba sa job interview mo nung isang araw? Tanggap ka na pero sa malayo ka ia-assign, o kaya under/over qualified ka sa posisyon na ibibigay sa’yo? Bad trip diba?

Nag-aaply ka ng abroad sa agency doon sa Maynila. Pasado sa initial interview, pagdating sa final interview ng employer, ie-evaluate na lang daw at inform ka pag qualified ka. Hindi pa sabihing di ka tanggap, sobrang pa-importante ng mga hinayupak na ‘to.

Wag kang mag-alala. Ilan sa pwede mong gawin at isipin ang sumusunod:

  1. Hindi ka na magko-commute.
  2. Hindi ka na mapapagod.
  3. Malaya mo ng magagawa mga hobbies mo.
  4. Tapos na ang pagsuot mo ng nakakasawa mong uniform (kung meron man).
  5. Kung mahilig ka sa video game, eto na ang break mo.
  6. Pag-unlad ng sarili mo(gym, photography man, etc.).
  7. Palit ng career.

Marahil kung nawalan ka ng trabaho kamakailan lamang, maaari mong gawin ang mga nabanggit sa itaas. Subalit kung sa katagalan at hindi ka pa rin makakuha ng bagong trabaho o sariling negosyo, panahon na para i-analyze at i-asses mo ang sarili ng mabuti baka may problema sa ginagawa mo o masyadong tutok ka na sa kaka-internet o kakasubaybay sa paborito mong teleserye at palabas sa TV.

Pinagmulan: Cracked

Advertisements
  1. …at idagdag mo na rin ang kasiyahang maidudulot na kaalamang hindi ka nagbabayad ng buwis na syang nagpapataba sa mga alaga nating buwaya…hehehe

    • Sadyang ganito talaga ang kalakaran sa pilipinas.. nasasalamin sa bawat paligid ang kurapsyon at kapabayaan.. matira matibay, unahan sa oportunidad at lantaran ang pambabale wala sa mga walang muwang sa mundo.. kaawa-awa ang mabubuhay sa susunod na henerasyon, sasaluhin nila lahat ng kagagawan ng kasalukuyang henerasyon ngayon..

      Minsan naniniwala na ko tuloy sa mga nagsasabi na tayo daw tao ay naka-program na mag self-destruct.. kase sa sobrang pagiging intelektuwal ng tao, halos lahat ng pag-uusap sa gulo napupunta.. sapaw ng walang pakumandangan mag-isip ang mga taong gumagawa at nag-iisip ng mabuti para sa lahat..

      Ang buhay nga talaga, parang life.

      Salamat sa comment Jobologist at sa kay Jec Mendiola sa pag-like sa post.

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: