Nakakabato na talaga ang Facebook


Nabalitaan mo na ba? Nakita mo na ba? Di mo alam? Ah di ka pa nakapagbukas. Yung sa Facebook. Oo, bago na naman yung layout nila. Pero ano naman pakialam natin, halos lahat ng walang magawa Facebook na lang aatupagin basta may laptop o desktop o kaya cellphone na may wifi na makaka-access sa Internet.

Ilan sa mga pagbabago ay ang sumusunod:

  1. In your face ang pictures. Lahat ng magta-tagged sa’yo hihilera sa tuktok ng wall mo. Para mawala kelangan i-close mo pa isa-isa.
  2. Ads ads ads. Lumaki yung right side Ads nila (syempre dyan sila kikita). Mula sa 170px naging 240px. Sumusunod sa layout ng Friendster at MySpace.
  3. Small font. Pansinin mo, yung font size mo sa wall mo, pinaliit nila.
  4. Application Tab. Wala na yung link mo sa ibabaw ng Wall mo para makapunta ka sa Photos, Info, etc. Nasa kaliwa na sila.. Ang masama pa dito yung link sa Discussion, Video, Events tinanggal nila.

Maraming nainis. Marami ding natuwa. Isa kong na-bad trip kase gumagawa ako ng business page ng may profile sa Facebook sa kanilang negosyo o kalakal na may link ng Facebook o Twitter account nila sa kanilang web site. Hindi ko naman concern ang pagbabago o re-layout nila kaya lang, sankaterbang paliwanag inaabot ko sa may-ari kase nagtatanong sila bakit iba na o bakit may nawala, naiba, etc.

Sa madali’t salita, research na naman & pa’no ma-convinced yung may-ari na sumabay sa kung ano meron. Hindi ko na pahahabain. Curious lang ako doon sa bagong position ng tag photos na nasa itaas na ng ‘Wall Post’ section ng bawat profile. Kung ita-tagged o may magta-tagged sa’yo, pirmi itong hindi magagalaw at pwedeng mong hatiin ang malaki mong picture para ma-occupy nito ang limang (5) slot sa itaas na nasa kanan ng primary picture.

New Facebook Profile

Sa kabilang banda, kung sakaling may mag-tagged sa’yo , click mo lang yung (x) para mawala pero yung tagged photo na yon, nasa profile pictures pa rin yon. Kung mahirap intindihin, sa umpisa parang bale-wala lang ang arrangement pero tingnan mo ng matagal, parang isang malaking picture ito na na-disect. Parang jigsaw puzzle.

Facebook Profile Layout

Nag-sample ako sa profile na ito. Hindi ko na binago yung primary picture kase kaputol lang naman ang lalabas. Kung creative ka at malawak imahinasyon mo, makakagawa ka ng kakaiba at kwento sa pag-biyak mo sa pictures mo.

Nasa ibaba yung link kung papaano ii-slice o ika-cut yan gamit ang kung anumang imaging tool meron sa computer mo (pwede sa Paint). Kung may Photoshop ka, mas mainam. Kelangan mo lang ng konting kalikot sa interface non(kung bago ka pa lang gagamit non) pero kung bihasa ka na gamitin, marquee tool, copy-paste, save to web & device, etc. Alam mo na kung ano ibig kong sabihin.

Nasa tutorial din sa link yung template, pwede mo i-download at instant may sukat na yung image mo. Pero ako, tantyahan lang ginawa ko (mabilisan lang kase)..

Goodluck!

Pinagmulan: TechCrunch at Gremlin Media

Advertisements
    • akosikennethm
    • Disyembre 18th, 2010

    Isa lang itong buhay na paalala na anumang bagay ay nagbabago 🙂

    • tumpak! 😀

        • akosikennethm
        • Disyembre 20th, 2010

        :)) pagbutihin mo ang pagsusulat sa iyong blog

  1. Enero 2nd, 2011

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: