Imbak para sa Enero, 2011

Torrent No More

Google Censoring Torrent Search Suggestions

Mahilig ka ba manood ng movie? Makinig ng music o mp3? Saan mo kinukuha? Oo syempre sa Internet. Pero legal mo bang kinukuha at dina-download ito? Maaaring hindi mo na sagutin ang huling tanong na yan. Pero sa maniwala kayo at sa hindi, pinakapopular na gamitin ang torrent sa pag-download at pagkuha ng mga files, pictures, videos at marami pang iba sa Internet.

Sa mga naga-abroad, pangunahing libangan pag walang magawa ang pagi-internet gamit ang laptop o computer nila. Pero dahil sa wala namang batas at hindi tayo namulat sa regulasyon ng DRM(Digital Rights Management), at pangkaraniwan naman ginagawa ng nakararami, parehas na lamang ang pagkuha na meron makikita sa internet sa madali’t salita kahit hindi nalalaman, subject to piracy kumbaga.

Yung iba pinagkakakitaan pa nila kaya masyadong foul na ang gawain na yan para sa gumawa ng kanta o video na yon. Iba-ibang opinyon. Kaya daw namatay na ng lubusan ang kita sa industrya ng pelikula at musika. Pero maiba ako. Kapag may hinahanap ka sa Internet, Google ba ang gamit mo sa pag-search?

Kamakailan, nag-anunsiyo ang Google na tinanggal na nila sa Suggest at Instant Result sa mismong search engine nila lahat ng salita na tungkol sa ‘torrent‘. Kaya kung nakasanayan nyo na maghanap ng mp3 o movie gamit ang ‘bittorrent’ o ‘utorrent’, limitado na lamang ang ipapakita nito sa search results. Kasama na din daw dito yung kumukuha sa Rapidshare at Megaupload. Kung mababalitaan nyo, ang popular na LimeWire ay tuluyan na nagsara dahil sa nakasampang kaso laban sa kanila.

Google’s new “Piracy” filter (no autocomplete)

Subalit sa kabila ng ginawa ng Google, marami pa rin ang kumontra hindi dahil laban sa piracy, kundi bakit ang torrent matahimik na nab-block ng Google pero ang mga parirala na ‘Paano gumawa ng bomba’, ‘Paano magnakaw sa isang tindahan’, ‘Paano kumidnap ng isang bata’, at marami pang iba ay pwedeng makita at lumalabas sa mga search results. Na kung tutuusin mas makabuluhan at may saysay kaysa paghaharang sa torrent.

Pinagmulan: Techi, TorrentFreak, Engadget, at LimeWire Music Blog

Advertisements

Apple Craze

Apple Hype vs. Consumer Reality

Maraming naaantig at nasasabik sa bawat produkto at teknolohiya na nilalabas ng Apple. Ng lumabas ang iPod, Nano, iPhone, MacBook tapos ngayon iPad lahat gusto na magkaroon  kung ano ang bago at ilabas nila. Sa bawat speech o talk ni Steve Jobs, lahat ay napapaniwala na ito na at sila na ang babago sa lifestyle at trend ng mga gadgets at computers sa ngayon.

Walang duda, kita naman. Pati nga sa computer world, tinatapatan na nila ang Microsoft sa kung ano meron. Ok lang din, para may kompetisyon at hindi lang tayo stick sa iisang gumawa. Na kahit mga gumagawa ng sub-standard na gadgets ay sila ang inspirasyon sa paggawa ng bago nilang produkto.

Source: Cracked

Galing ni Cizzie


Galing nya. Sa panahon ngayon akala ko wala ka ng makikita na girl na hilig ang ganitong genre ng music. Hindi yung mga emo na hindi ko maintindihan kung ano ang drama nila sa mundo. Sa ganda nya hindi mo aakalain na tumutugtog sya ng gitara at bumabanat ng Pentatonic Scale sa solo.

Wala kong masabi… Nakaka-inlove pa.. Galing talaga! ت

Source: Cizzie88

Napasarap ang Kwentuhan

Magsisimula ang modus ng 1:30.. Masyado yata masarap ang kwentuhan nila. Yung kasama nyang nakaharap sa kanya, hindi man lang napansin kahina-hinalang pagtabi sa mesa nila ninanakawan na pala sila.

Hindi na lang nila tiniis na isiksik bag nila sa loob ng ilalim ng mesa, kahit masikip alam nila kung may magtatangkang gumalaw.. Malamang natik-tikan na sila sa labas pa lang.. Pero ano magagawa natin, masarap ang kwentuhan nila kaya matagumpay na nagawa ng salarin ang pagkuha ng laptop nya..

Source: Yahoo News

Apektado ka ba?

Ophiuchus

May nadagdag na isa. Ano yun? Hindi ko din alam. Ophiuchus. May siningit na isa pa sa Zodiac Signs. Sa pagitan ng Scorpio at Sagittarius. May nabago daw sa pag-ikot ng ating mundo sa kalawakan. End of the World? Doomsday? Hindi daw.

Sa mundo ng Astrology, malawak ang imahinasyon at basehan nila sa epekto nito sa buhay ng tao. Kung anuman yon, hindi ako interesadong alamin pero at least mas bago at improving ang raket nila lalu na’t sa sunod na buwan ay Kung Hei Fat Choy na.

Sa mga naniniwala at nagsasabi ng wala namang mawawala kung susundin mo ang nakatakda sa iyong Birthday Signs, narito ang pagbabago:

Capricorn: Jan. 20-Feb. 16. 
Aquarius:
Feb. 16-March 11. 
Pisces:
March 11-April 18. 
Aries:
April 18-May 13. 
Taurus:
May 13-June 21. 
Gemini:
June 21-July 20. 
Cancer:
July 20-Aug. 10. 
Leo:
Aug. 10-Sept. 16.
Virgo: Sept. 16-Oct. 30. 
Libra:
Oct. 30-Nov. 23.
Scorpio: Nov. 23-29. 
Ophiuchus:
Nov. 29-Dec. 17
Sagittarius: Dec. 17-Jan. 20.

Nasa tao  na lang kung ano ang magiging interpretasyon nila dito (wala namang nagbago kung tutuusin), pero mas naniniwala ako dito:

Change your WAYS, before your ways CHANGE you.

Source: NewsFeed, Ophiuchus, Zodiac Signs

We are all Cyborgs now

Sobrang advance na ng technology ngayon. Sa dami ng mga naiimbentong bagay at gamit, (gadgets sa popular na tawag) na pinagkakaabalahan at gustong magkaroon ng bawat isa, dinaig pa natin ang robot sa butintingan at kalikutan ng mga maliliit na bagay na makikita sa kahit sinuman ngayon.

Ang nakakapagtaka lang, sobrang lakas ng impluwensya ng media at kung ano ang bago at ipakita sa market at ito ay bago, gusto kaagad ng mga tao na magkaroon at gamitin dito. Siguro pang-impress sa kakilala o pamilya kaya gusto nila na magkaroon. Sadyang mas mahalaga na yata ang KAGUSTUHAN sa talagang KAILANGAN.

Sa maraming pera at hindi ito ang problema, walang kaso. Pero papaano sa mga nagiipon na bumili nito? Naisip ba nito na akma ito sa araw-araw nilang buhay. Halimbawa sa mobile phones, kelangan ba talaga na may wifi o video player ang unit mo kung ang talagang silbi ng telepono ay pantawag at pang-recieve ng text message? Sa TV, kelangan ba HDTV ang bibilhin mo kung puro piratang DVD, downloaded sa torrent na movie o Eat Bulaga o Teleserye lang ang papanoorin mo? Kelangan ba talaga, in High Definition ang TV mo?

Sa computer, kelangan ba talaga naka-i7 processor o Sony Vaio/HP/MacBook Pro ang bibilhin mo? Yung pinaka-latest ba ang solusyon sa lahat ng problema sa bagal at problema ng mga lumang unit ng computer? Kelangan ba naka-Windows 7 ang OS mo (kahit pirata)?  Kung magpe-Facebook at Youtube lang naman ang gagawin mo sa computer?

Beyonce Hand-Robot

Hindi ko alam. Pero sadyang naka-program yata ang tao na mag self-destruct. Likas sa atin ang pagtalunan ang mga bagay-bagay at walang pagkakuntento sa buhay.

Pinagkunan: TED

End of the World

End of the World

End of the World

What the..  Mark this date: May 21, 2011

According to them, on this date Christ will Return. You can read and find more details on the listed sites below:

  1. http://www.wecanknow.com/
  2. http://www.ebiblefellowship.com/
  3. http://www.familyradio.com/index.html
  4. http://www.may212011.com/
  5. http://en.wikipedia.org/wiki/May_21,_2011

Source:  Mail.com

%d bloggers like this: