Torrent No More


Google Censoring Torrent Search Suggestions

Mahilig ka ba manood ng movie? Makinig ng music o mp3? Saan mo kinukuha? Oo syempre sa Internet. Pero legal mo bang kinukuha at dina-download ito? Maaaring hindi mo na sagutin ang huling tanong na yan. Pero sa maniwala kayo at sa hindi, pinakapopular na gamitin ang torrent sa pag-download at pagkuha ng mga files, pictures, videos at marami pang iba sa Internet.

Sa mga naga-abroad, pangunahing libangan pag walang magawa ang pagi-internet gamit ang laptop o computer nila. Pero dahil sa wala namang batas at hindi tayo namulat sa regulasyon ng DRM(Digital Rights Management), at pangkaraniwan naman ginagawa ng nakararami, parehas na lamang ang pagkuha na meron makikita sa internet sa madali’t salita kahit hindi nalalaman, subject to piracy kumbaga.

Yung iba pinagkakakitaan pa nila kaya masyadong foul na ang gawain na yan para sa gumawa ng kanta o video na yon. Iba-ibang opinyon. Kaya daw namatay na ng lubusan ang kita sa industrya ng pelikula at musika. Pero maiba ako. Kapag may hinahanap ka sa Internet, Google ba ang gamit mo sa pag-search?

Kamakailan, nag-anunsiyo ang Google na tinanggal na nila sa Suggest at Instant Result sa mismong search engine nila lahat ng salita na tungkol sa ‘torrent‘. Kaya kung nakasanayan nyo na maghanap ng mp3 o movie gamit ang ‘bittorrent’ o ‘utorrent’, limitado na lamang ang ipapakita nito sa search results. Kasama na din daw dito yung kumukuha sa Rapidshare at Megaupload. Kung mababalitaan nyo, ang popular na LimeWire ay tuluyan na nagsara dahil sa nakasampang kaso laban sa kanila.

Google’s new “Piracy” filter (no autocomplete)

Subalit sa kabila ng ginawa ng Google, marami pa rin ang kumontra hindi dahil laban sa piracy, kundi bakit ang torrent matahimik na nab-block ng Google pero ang mga parirala na ‘Paano gumawa ng bomba’, ‘Paano magnakaw sa isang tindahan’, ‘Paano kumidnap ng isang bata’, at marami pang iba ay pwedeng makita at lumalabas sa mga search results. Na kung tutuusin mas makabuluhan at may saysay kaysa paghaharang sa torrent.

Pinagmulan: Techi, TorrentFreak, Engadget, at LimeWire Music Blog

Advertisements
  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: