Imbak para sa Pebrero, 2011

Kissing in Disguise

High tech Gaming.

Sinimulan ng Ninentdo Wii. Ngayon, XBox naman (meron din ang PlayStation, Move ang tawag). Tinawag nila itong Kinect, controller na mapapagana mo ang player sa games sa pamamagitan ng pagkilos o paggalaw ng iyong katawan habang hawak o nakadikit sa katawan mo ito. Nakaimbento si Hye Yeon Nam, isang Digital Artist, ng isang laro (bowling) na tinawag nyang Kiss Controller. Sa larong ito, mako-kontrol mo ang bilis at direksyon ng bowling ball by tounge while kissing.

Meron lamang isusuot na headset na gumagana bilang mga sensor, magnet, etc. na tatanggap sa pagkilos at paggalaw ng dila ng player. Mukhang ok. Kase at least, may purpose ang kissing scenes ng players. Hindi yung basta ordinaryong laro na pili ka ng player, pangalanan mo tapos kuha ka ng armas, pampasabog, etc at acquire ng mga skills pagkatapos pagpapatayin mo lahat ng haharang sa dinadaanan mo.

At least kung may gaming console ka (at may game ka nito), kung sakaling kasama mo girlfriend mo. Kung may makahuli man sa inyo, sabihin nyo lang games ito. Wala kamong malisya. Kelangan lang maka-iskor. Galing.

Pwede.

Pinagkunan: DVice, xBox Kinect, Hye Yeon Nam

Banggaan sa Riles

LRT Crashed

Ano ‘to? Ano nangyari? Pambihira naman. So eto pala yung pinapakita na deserving lang sila mag-taas ng pamasahe. Para sa akin, ok lang magtaas sila pero wag lang nila papabayaan ang serbisyo nila. Kung ganito pa mababalitaan mo, parang nakakawalang gana na.

Sa LRT, nakaka-BAD TRIP walang CR (Comfort Room). Pati ba naman yon pinagdadamot nila. Kung kelangan mo man gumamit, kelangan magtatanong at magpapaalam ka pa saan at makiusap na gumamit ng CR. Lamang lang ng konti sa MRT, at least kahit mabaho at walang tubig pwede mong i-raos ang tawag ng kalikasan.

Public terminal. Diba dapat lahat ng needs at comfort ng commuting public i-provide nila. Bakit kelangan, magtatanong ka pa. Tapos, technical problem daw kung bakit nangyari yan. Pambira talaga. Pinagtanggol pa nila mga nagta-trabaho sa kanila. KAPABAYAAN yan kung bakit nagka-ganyan.

Ganon naman parati. Kapag may aksidente, magaling tayo sa sisihan. Walang maayos na sagot. Lahat palusot. Kawawa naman ang mga susunod na henerasyon, mamanahin nila lahat ng katarantaduhan nangyayari sa paligid natin ngayon.

Ang tren, may sariling riles. Sariling daan. Wala na ngang silang kaagaw sa trapik, nagbabanggaan pa. Ilan pa sa mga kuha:

Pinagkunan: Yahoo! (Fit to Post)

You see me.. now you don’t

Cloaking Dress malapit na magkaroon.

Sa video na yan, pinakita gamit ang isang camera at manipis na tela (pero di pangkaraniwan) na makikita mo ang anumang bagay na nasa likod ng nagsusuot ng cloak dress na yan. Bagama’t medyo malabo pa, idinisenyo noong 2003 ni Susumu Tachi ito para gamitin sa sasakyan pantulong sa driver na makita ang nasa gilid at natatakpan na kaha ng sasakyan sa labas.

Kamakailan, may bagong tuklas muli na mas improve at hindi na gumagamit ng kapa o damit ang kasalukuyang sinasaliksik ng mga eksperto. Gamit ang isang tumpok ng crystal at walang camera matagumpay nyang naisagawa na maitago ito. Maaari nyong makita ang ilan pang detalye dito.

Maganda ang hangarin nila na mapagtagumpayan ito. Sana lamang ay gamitin ito sa mabuting paraan at hindi sa mga bagay na pansarili at walang kabuluhang bagay na ikakapahamak ng iba, paligid at ng ating planeta msimo.

Pinagkunan: Tachi Lab, Guardian.co.uk[1][2], YouTube

Wag ka bumili ng iPad

iPad

Bakit? Hindi lahat ng bagong labas maayos at walang problema sa pagkakagawa. Bagamat dalawang buwan na ngayon, magi-isang taon na buhat ng ilabas sa market ang iPad sa buong mundo mas praktikal pa rin bumili ng gamit partikular mga gadget na may mga updates sa firmare o software sa kanilang device. Bugs o mga security crack ang madalas na problema sa mga bagong labas kaya mahalaga at importante ang pag-test (beta-test) para malaman ang kulang o problema sa bagong gawang produkto.

Hindi siguro uso ang beta-testing sa Apple, kagaya ng iPhone na nasa 4th generation na ngayon. Pinaliliwanag nito na walang perpektong produkto na lahat ng gusto mo ay pwedeng makita sa iisang gadget. Pero importante na maresolba nila ang problema  sa usability ng produkto para mapakinabangan kung saan at paano ito magagamit ng maayos at epektibo.

Sa article na nilabas ng Gizmodo, pagkaraan ng anim na buwan simula ng ni-release ang product ang pinakamainam na panahon para bilhin ito. Makikita ito dahil marami ng nagsulputan na counterpart ng iPad na ilan sa problema at kakulangan nito ay nilagay nila sa produkto nito. Andyan ang Galaxy Tab ng Samsung, Slate ng HP, Streak ng Dell, at marami pang iba na makikita sa Internet.

Hindi rin nalalayo sa marketing strategy ng Microsoft ang ginagawa ng Apple. Parehas lang sila nagku-kumpetitsyon para kumita at i-brainwash ang isip ng mga tao na dapat meron ka ng kung ano ang pinakabago nila. Ayaw nila ng simple, kelangan medyo complex, all-in-one, mga features na hindi naman kelangan, at kinang ng panlabas na itsura ng produkto ang dapat meron ka. Maliban na lamang kung marami kang pera, hindi problema yan. Kaya lang mukhang nagi-invest ang mga kumpanya na gumagawa ng mga ito ng basura at kalat sa kwarto, bahay at opsina natin sa mundo ngayon.

Masamang epekto ng teknolohiya.

Pinanggalingan: Gizmodo: Do Not Buy an iPad

Liit pa ni Lilet

Naalala nyo ba si Lilet? Sa nakakabatang henerasyon malamang hindi. Dati syang taga-Dats (Thats Entertainment) yung palabas ni kuya germs sa syete. 1980’s pa ‘to kaya kulang-kulang tatlong dekada na ang lumipas. Commercial ng Coke yang video in tagalog version. International yang TV commercial na yan, buong mundo yata may kanya-kanyang version nyan. Ito ang UK version (ingles) nyan. Marami pa sa YouTube.

Original Lyrics (English):

I am the future of the world
I am the hope of my nation
I am tomorrow’s people
I am the new inspiration 

And we’ve got a song to sing to you
We’ve got a message to bring to you
Listen to me, for you and for me, and tomorrow (tomorrow)
If we all can agree then we’ll see harmony tomorrow (tomorrow)
And we’re all what we have, what we’re going to share
Feeling so real and so true
Probably starts tomorrow
And we’ll build a better world for you

Source: YouTube

%d bloggers like this: