Wag ka bumili ng iPad


iPad

Bakit? Hindi lahat ng bagong labas maayos at walang problema sa pagkakagawa. Bagamat dalawang buwan na ngayon, magi-isang taon na buhat ng ilabas sa market ang iPad sa buong mundo mas praktikal pa rin bumili ng gamit partikular mga gadget na may mga updates sa firmare o software sa kanilang device. Bugs o mga security crack ang madalas na problema sa mga bagong labas kaya mahalaga at importante ang pag-test (beta-test) para malaman ang kulang o problema sa bagong gawang produkto.

Hindi siguro uso ang beta-testing sa Apple, kagaya ng iPhone na nasa 4th generation na ngayon. Pinaliliwanag nito na walang perpektong produkto na lahat ng gusto mo ay pwedeng makita sa iisang gadget. Pero importante na maresolba nila ang problema  sa usability ng produkto para mapakinabangan kung saan at paano ito magagamit ng maayos at epektibo.

Sa article na nilabas ng Gizmodo, pagkaraan ng anim na buwan simula ng ni-release ang product ang pinakamainam na panahon para bilhin ito. Makikita ito dahil marami ng nagsulputan na counterpart ng iPad na ilan sa problema at kakulangan nito ay nilagay nila sa produkto nito. Andyan ang Galaxy Tab ng Samsung, Slate ng HP, Streak ng Dell, at marami pang iba na makikita sa Internet.

Hindi rin nalalayo sa marketing strategy ng Microsoft ang ginagawa ng Apple. Parehas lang sila nagku-kumpetitsyon para kumita at i-brainwash ang isip ng mga tao na dapat meron ka ng kung ano ang pinakabago nila. Ayaw nila ng simple, kelangan medyo complex, all-in-one, mga features na hindi naman kelangan, at kinang ng panlabas na itsura ng produkto ang dapat meron ka. Maliban na lamang kung marami kang pera, hindi problema yan. Kaya lang mukhang nagi-invest ang mga kumpanya na gumagawa ng mga ito ng basura at kalat sa kwarto, bahay at opsina natin sa mundo ngayon.

Masamang epekto ng teknolohiya.

Pinanggalingan: Gizmodo: Do Not Buy an iPad

Advertisements
  1. I still stick with laptop because it has a tangible keyboard. 🙂

    • yep! I agree to you too. Iba pa rin ang usability at functionality ng keyboard, besides halos lahat ng touchscreen na lumalabas sa market (na pinangunahan ng iPad) dependent mostly sa screen for the time being. It will still depend on the plugged keyboard to be able to control the system. It’s a matter of comparing wired & wireless connections particularly sa wifi. There still wired connection involved in wireless kahit anong tago at bypass ang gawin sa gadget or device. So hindi pa ring 100% functional ang wifi, minsan napuputol ang connection ng biglaan sa dami ng protocol na dinadaanan.

      • I can agree no more.

  2. crapp. yung blog ni gizmodong pogi ginawa lng ng isang araw. lahat ng taong nagcomment same day lang din. howdi dat happyn? palagay ko sa loob lng opis gawa. sila sila nagkometan, tapos dazit wala nakalimutan na next day.

    di naman din ako fan ng ipad. parang babagsak pag hawak ko. di lang ako makatulog kasi yung blog unreliable, not commendable, just plain crapp.

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: