Imbak para sa Marso, 2011

Trahedya sa Japan

Nakakalungkot. Kamakailan lamang lumindol sa New Zeland, sa Chile tapos ngayon sa Japan naman. Matindi ang epekto. Grabe ang pinsalang dulot. Mabuti na lamang advance ang teknolohiya sa Japan na kahit bayuhin man sila ng 8.9 magnitude earthquake makikita sa kanila ang mahinahon at maayos na paraan ng paghahanda sa pagharap sa sakuna.

Di katulad sa atin, ilang taon o dekada hindi pa rin makaahon at makapagsimula ng maluwalhati sa maraming paraan (kahit ng panahon pa ni Ondoy). Sa atin yun ibinibigay na tulong at pagkain ng ibang bansa nakukuha pang kurakutin ng nasa gobyerno. Ang ipapamigay yung mga tira-tira.

Ang yari din at istraktura ng mga building at bahay sa Japan, panigurado pasok sa standard. Kaya hindi basta agad bumibigay, kung gumuho man matindi na talaga ang pinsala nito. Dito sa atin, mga ginagamit na materyales hindi mo malaman kung saan galing o kung papaano ginawa ng mga gumagawa.

Kahit ano pang gawin natin, walang makakapigil sa takbo at andar ng kalikasan. Pabayaan mo lang mangyari, huhupa din naman. Ang epekto ng pinsala ay natural na lalabas, at kung nasa lugar ka ng mga oras na yon hindi ka exempted na maranasan at maramdaman. Ibayong pagi-ingat at mahinahon na paghahanda ang kailangan. Bukod sa kaalaman para alam mo lahat ng nangyayari sa paligid.

Ilan pa sa mga video:

Ilang bahagi nakuhanan ng camera

Flash Flood (Sendai Airport)

Tsunami Hit

Giant Whirlpool

at marami pa dito..

Pinagkunan:  YouTube, Jalopnik, NAOAA Center for Tsunami Research, Gizmodo

Ang Jeep ni Rogelio.. Bow.

Proud to be Pinoy ba tayo? O ashame to be Pinoy? Kung bored ka na at wala ka ng maisip na mapanood o ma-download na palabas sa internet, subukan mong patayin ang isang oras mo sa pamamagitan ng pagpanood dito.

Documentary film ito ng BBC sa UK na pinamagatang The Toughest Place to be a.. Na-featured tayo dahil sa sobrang kilala na tayong Pinoy sa buong mundo. Ang ganda ng coverage at pagbuo nila, walang tinatago sa lipunan. Pati pagpag, nandito. Sana ganito din mag-cover ang local news network sa atin. Hindi yung payabangan sila at pinagtatalunan kung sino ang No.1.

Pinagkunan: BBCThe Toughest Place to be a..

%d bloggers like this: