Sobrang Keso!


Dati akala ko pag sinabing cheesy, umuulan o nagkalat ang keso sa paligid. Yun pala, makabagong term ng tipong corny o baduy na uri ng ekspresyon. Ipinaliwanag din sa isang commercial ng pizza yung kahulugan nyan, na wari ba’y  walang intensyon na pagkilos na hindi nya namamalayan, iba na ang dating sa ibang tao ng ginagawa nya kaya sinabing cheesy ang ginawa nya.

Ganumpaman, mas naiaayon ang salitang ito sa makabagong paraan ng panliligaw o mga simpleng salita o banat sa mga may karelasyon o crush. Pero applicable din sa mga lahat na klase ng tao, matanda man o bata, tambay o isang big time, etc. hindi lang tungkol sa pag-ibig.  Ano man ang sabihin ng ibang tao, para sa kanila mas nagiging makulay o malalim ang gusto nilang ipahiwatig, hindi direktang sagot at mas maaalala ng kausap nya ang ganitong paraan ng pagsasalita.

BOY: kamusta na ang babaeng gusto ko pero hindi ko girlfriend ?
GIRL: eto mahal na mahal ka kahit di kta boyfriend.

TEACHER: iho , bakit puro redhorse ang sagot mo ??
STUDENT: dahil ito ang tama !!!

BOY: pwede bang mahalikan yung kamay mo?
GIRL: bakit , may problema ba sa labi ko?

GIRL: anong meron sakin na wala sa iba ??
BOY: aba malay ko , di naman ako tumitingin sa iba eh. ikaw lang naman tinitingnan ko.

NOTHING lang AKO sau dahil nanjan na si EVERYTHING. pero pag nawala si EVERYTHING, tandaan mo nandito lang si NOTHING to give you EVERYTHING

Mga cheesy lines, kinuha dito: @PINOY_QUOTES
Picture ng ‘Sobrang Cheesy!’, makikita dito: Flickr

Advertisements
  1. Very cute ones. 🙂

    • Salamat po!

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: