Imbak para sa Mayo, 2011

Paalam Ipe

This slideshow requires JavaScript.


Biglaan ka man lumisan, ikaw pa rin ang natatangi at isa sa pinagmamalaki na mamamayan dito sa Sandieostreet.

Paalam kaibigang Pelipe..

Paalam!

Paalam!

Mula sa amin dito sa Sandiego, lubos kaming nakikiramay sa iyong pamilya at mahal mo sa buhay. Rest in peace kaibigan.. 😦

Sounds Muna

TVJ

Nakakaboring ang mga kanta maririnig mo ngayon. Pati na rin maririnig mo sa FM Radio, lahat ng istasyon pare-parehas ng format, walang katuturang mga daldalan at tawanan.  Back to Klasik muna..

Yakult Litro

Bakit kaya nasa maliit na bote ang Yakult? Hindi man lang sila naglabas ng Mega Size, litro, o kaya kasing laki ng bote ng C2? Nakakabitin tuloy pag iinom. Parang hanggang lalamunan lang, kaya hindi ko alam kung ok ba ang tyan pag iinom nito.

Sang-ayon sa website ng Yakult sa kanilang FAQ, tama at sapat lamang ang pag-inom ng Yakult sa maliit na bote. May sapat na bilang ng probiotic Lactobacillus casei Shirota strain sa bawat 65ml na bote ng Yakult. Kaya kung lalakihan ang lalagyan, sosobra at may kamahalan din kung iinom nito.

Hindi din maganda ang pagbukas ng Yakult at mae-expose sa hangin ang laman nito na dahilan ng pagkabawas ng kalidad at buhay na prebiotic bacteria na nasa loob. Kaya tama lang ang nasa bote na maliit na serving na madaling maubos at wala namang masama kung uulit ka kung bitin ka bili ka na lang uli.

Salamat sa impormasyon. At least alam na natin kung bakit walang litro ng Yakut sa Supermarket o kung saan man nabibili ito. At ok si tyan syempre.

Pinagkunan: ABS-CBN, Yakult, FAQ,

Sobrang Angas!

Anong sinabi ni Pacquiao at Mayweather dito? Panalo sa entrance at showmanship.

%d bloggers like this: