Yakult Litro


Bakit kaya nasa maliit na bote ang Yakult? Hindi man lang sila naglabas ng Mega Size, litro, o kaya kasing laki ng bote ng C2? Nakakabitin tuloy pag iinom. Parang hanggang lalamunan lang, kaya hindi ko alam kung ok ba ang tyan pag iinom nito.

Sang-ayon sa website ng Yakult sa kanilang FAQ, tama at sapat lamang ang pag-inom ng Yakult sa maliit na bote. May sapat na bilang ng probiotic Lactobacillus casei Shirota strain sa bawat 65ml na bote ng Yakult. Kaya kung lalakihan ang lalagyan, sosobra at may kamahalan din kung iinom nito.

Hindi din maganda ang pagbukas ng Yakult at mae-expose sa hangin ang laman nito na dahilan ng pagkabawas ng kalidad at buhay na prebiotic bacteria na nasa loob. Kaya tama lang ang nasa bote na maliit na serving na madaling maubos at wala namang masama kung uulit ka kung bitin ka bili ka na lang uli.

Salamat sa impormasyon. At least alam na natin kung bakit walang litro ng Yakut sa Supermarket o kung saan man nabibili ito. At ok si tyan syempre.

Pinagkunan: ABS-CBN, Yakult, FAQ,

Advertisements
  1. Kung iyan ang dahilan ng Yakult, ano ang masasabi natin sa mga food supplement at milk formula na may live microorganisms daw?

    I like the way you think.

    • Salamat sa pag-like neckromancer.. Siguro nauna lang ang Yakult, pero parehas lang naman malamang sila. Nagkataon lang matagal ng nasa kultura at nakagisnan na natin ang Yakult. Kumbaga mas sumikat na lang sa atin at ang bansag na ‘ok ka ba tyan’..

    • myfilthyroom
    • Mayo 15th, 2011

    Yung mga tindera/tindero ng yakult na may dalang cart, feeling ko part na sila ng Philippine culture. đŸ™‚

    • Yep, tama ka myfilthyroom. Salamat sa comment at pag-like. Iba ang nagtitinda ng Yakult kumpara sa mga nagtitinda sa atin ng Puto’t Kuchinta, Taho, Sorbetes atbp.Unique at malayo pa lang, iisa lang ang tinitinda nila. Minsan may kasama na ding Chamyto bukod sa Yakult.

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: