Archive for the ‘ jailbreak ’ Category

Hindi kita.. Kadugo..

Filipino Music 'Alternarap'

Kasangre
Skrewhead

Ako ay sumulat, para ikaw ay magulat
at ng  isa-isahin inyong pagkatao
Ika’y aking isisiwalat ang iyong pagkatao
Ginagawa at inyong tinatrabaho.

Wala ka bang konsensya sa ginagawa mo
Ang bagay sa iyo ay tanggalin ang ngipin
Para sa ganon matuyo ang kaluluwa mo
Doon sa impyerno kasama ng mga demonyo

ANG KAPAL NG MUKHA MO, HINDI KITA KADUGO

Hayup ka, ibang klase ka rin
Kapag ika’y nagutom walang patatawarin
Kung di nakita akala ko’y santo
Wala kong alam masahol pa sa buwaya

Ugali mo, akala mo kung sino
Nademonyo kita, buhay ko’y nagulo
Nasa’n ang pangako ando’n nakapako
Bagay sa’yo sa krus ay ipako.

Magnanakaw, mandaraya
At manloloko sa inyong kapuwa.
Kami’y iyong nabikitima
Hindi ka na naawa.

..hindi ko alam ang lyrics, hindi ko din makita sa internet..

..pwedeng may mali.. pero nilagay ko na lang kung ano narinig ko..

Nakita ko DITO (salamat po)

Advertisements

Jailbreak sa PS3

Sony PlayStation 3

Naglalaro ka ba ng PlayStation? Yung sa console. Hindi yung maliit. PSP yon. Syempre kung nandito ka sa Pilipinas at hindi mo ma-afford bumili ng original games non, mas prefer mo na laruin yung mga downloaded at kopya lang. Pero mas strict ang PS3 pagdating dyan compared sa PS2 & XBox.

Galing ako sa Greenhills kahapon and pwede na pala laruan ng pirated games ang PS3 as long as 3.4+ ang version ng firmware ng unit mo and hindi pa updated sa version 3.5+ via online. Kung madalas mong ginagamit sa pago-online PS3 mo, malamang updated na yan and yun ang tama & dapat mong ituloy.

Pero kung hilig mo lang malaro yung campaign or mission ng game tapos maraming game titles ka na gusto laruin, and pang sarili mo lang and di mo naman ibebenta o pagkakaperahan, pwede mong i-jailbreak ang PS3 mo. Nandito lahat ng list ng games http://bit.ly/dGxCEB (naa-update ito)

May gagamitin ka lang na dongle. USB type pero hindi pangkaraniwang flash drive. Ang maganda pa dito, walang imo-modify o babaklasin sa unit ng PS3 mo. Ibu-boot mo lang PS3 mo nakakabit nito & pag ayaw mo na ng Jailbreak, ire-restart mo lang PS3 mo na wala na yung Dongle. Iba-iba ang price ng Dongle nila. Merong P2k tapos free 3-5 games. Meron namang P1,800 pero walang games P1,500 pag yung dongle lang. Depende sa pwesto na mapagtanungan mo. Maganda kung dala mo unit mo & papa-test mo bago mo bilhin. Wag ka mag-alala, walang babaklasin sa unit mo. Tapos pwede ka ding magpalagay ng games kung may dala kang external drive. May listahan kaya pwede ka makapamili.

PS3 USB Dongle

PS3 USB Dongle

Normal naman ang PS3 pag nakakabit ito. Pero yung privilege mo sa online network ng Sony Playstation pwedeng i-ban o i-revoke ka. Kaya pang-offline lang talaga. Kaya lang pag inalis mo na ang dongle at nag-online ka, automatic maga-update ang unit mo. Sa latest version hindi uubra ang dongle, unless i-upgrade din ng mga hackers ang content ng USB.

Siguro next month. Next year. Mabibiyak na naman ng mga hackers yan kahit gumawa pa ng updates ang Sony lalo na sa mga updated version ang unit nila.

Pinagmulan: Dukio, PSJCL and MakeUseOf

%d bloggers like this: