Archive for the ‘ laro ’ Category

Sino Gustong Lumaban?

Sino gusto lumaban ng pustahan kay lolo?

Sobrang Angas!

Anong sinabi ni Pacquiao at Mayweather dito? Panalo sa entrance at showmanship.

Busy sa Trabaho

Top Facebook Games

Top 25 Facebook Games - March 2011

Mamaya na. Oo, isusunod ko ‘pag tapos nito.

Busy ako, hindi mo ba nakikita?

Kelangan ko ‘to matapos bago mag-uwian. Tawagan kita ‘pag tapos nito.

Ginagamit ko pa yun computer, pag alis ko tsaka kayo gumamit.

Nakarinig na ba kayo ng mga ganyang dialogue? Sa opisina, oras ng trabaho popular yan. Hindi mo alam akala mo napaka-importante ng ginagawa. Paper works, reports, etc daw. Yun pala naglalaro lang. Napaka-productive nila. Sana lang ready sila pag nahuli sila.

Pabor ako na pagbawal ang paglalaro sa oras ng trabaho. Pero mahirap kasing sabihin na depende sa gumagamit ng computer. Sadya yatang binabalik-balikan ang pag-login, tapos yung tao na may kailangan sa kanila o gagamitin ang computer, off-limits.

Goodluck sa pag-level up character nyo. Teka, kelangan ko na bumalik sa tab ng fb ko. Pwede na uli mag-level up, expire na yung time. Sa susunod muli, hehehe! 😀

Jailbreak sa PS3

Sony PlayStation 3

Naglalaro ka ba ng PlayStation? Yung sa console. Hindi yung maliit. PSP yon. Syempre kung nandito ka sa Pilipinas at hindi mo ma-afford bumili ng original games non, mas prefer mo na laruin yung mga downloaded at kopya lang. Pero mas strict ang PS3 pagdating dyan compared sa PS2 & XBox.

Galing ako sa Greenhills kahapon and pwede na pala laruan ng pirated games ang PS3 as long as 3.4+ ang version ng firmware ng unit mo and hindi pa updated sa version 3.5+ via online. Kung madalas mong ginagamit sa pago-online PS3 mo, malamang updated na yan and yun ang tama & dapat mong ituloy.

Pero kung hilig mo lang malaro yung campaign or mission ng game tapos maraming game titles ka na gusto laruin, and pang sarili mo lang and di mo naman ibebenta o pagkakaperahan, pwede mong i-jailbreak ang PS3 mo. Nandito lahat ng list ng games http://bit.ly/dGxCEB (naa-update ito)

May gagamitin ka lang na dongle. USB type pero hindi pangkaraniwang flash drive. Ang maganda pa dito, walang imo-modify o babaklasin sa unit ng PS3 mo. Ibu-boot mo lang PS3 mo nakakabit nito & pag ayaw mo na ng Jailbreak, ire-restart mo lang PS3 mo na wala na yung Dongle. Iba-iba ang price ng Dongle nila. Merong P2k tapos free 3-5 games. Meron namang P1,800 pero walang games P1,500 pag yung dongle lang. Depende sa pwesto na mapagtanungan mo. Maganda kung dala mo unit mo & papa-test mo bago mo bilhin. Wag ka mag-alala, walang babaklasin sa unit mo. Tapos pwede ka ding magpalagay ng games kung may dala kang external drive. May listahan kaya pwede ka makapamili.

PS3 USB Dongle

PS3 USB Dongle

Normal naman ang PS3 pag nakakabit ito. Pero yung privilege mo sa online network ng Sony Playstation pwedeng i-ban o i-revoke ka. Kaya pang-offline lang talaga. Kaya lang pag inalis mo na ang dongle at nag-online ka, automatic maga-update ang unit mo. Sa latest version hindi uubra ang dongle, unless i-upgrade din ng mga hackers ang content ng USB.

Siguro next month. Next year. Mabibiyak na naman ng mga hackers yan kahit gumawa pa ng updates ang Sony lalo na sa mga updated version ang unit nila.

Pinagmulan: Dukio, PSJCL and MakeUseOf

Game Na!


Up, up, down, down, left , right, left, right, B, A, B, A, Select, Start. Two player yan. Basta walang iwanan, kase mamamatay ang kasama mong player pag nauna ka. Maganda yung ‘S’ na bala pag nakuha mo, pero ang matindi yung mag-start ka ng terti laybs (30 lives) para matagal bago ma-game-over.

Yung background song dito sa Stage 2, dito ata kinuha ng Parokya yun kanta nilangBagsakan kase magka-tunog sila. Dito sa Kalye Sandiego, may mga laro din tayo kaya lang hindi kabigatan tulad ng DOTA, 12-Sky, Farmville o Car Town malamang nilalaro mo.

Makikita mo sya sa link na Mini-Games makikita mo sa menu o kaya para wala ng ligoy click mo ‘TO.

%d bloggers like this: