Posts Tagged ‘ aksidente ’

Trahedya sa Japan

Nakakalungkot. Kamakailan lamang lumindol sa New Zeland, sa Chile tapos ngayon sa Japan naman. Matindi ang epekto. Grabe ang pinsalang dulot. Mabuti na lamang advance ang teknolohiya sa Japan na kahit bayuhin man sila ng 8.9 magnitude earthquake makikita sa kanila ang mahinahon at maayos na paraan ng paghahanda sa pagharap sa sakuna.

Di katulad sa atin, ilang taon o dekada hindi pa rin makaahon at makapagsimula ng maluwalhati sa maraming paraan (kahit ng panahon pa ni Ondoy). Sa atin yun ibinibigay na tulong at pagkain ng ibang bansa nakukuha pang kurakutin ng nasa gobyerno. Ang ipapamigay yung mga tira-tira.

Ang yari din at istraktura ng mga building at bahay sa Japan, panigurado pasok sa standard. Kaya hindi basta agad bumibigay, kung gumuho man matindi na talaga ang pinsala nito. Dito sa atin, mga ginagamit na materyales hindi mo malaman kung saan galing o kung papaano ginawa ng mga gumagawa.

Kahit ano pang gawin natin, walang makakapigil sa takbo at andar ng kalikasan. Pabayaan mo lang mangyari, huhupa din naman. Ang epekto ng pinsala ay natural na lalabas, at kung nasa lugar ka ng mga oras na yon hindi ka exempted na maranasan at maramdaman. Ibayong pagi-ingat at mahinahon na paghahanda ang kailangan. Bukod sa kaalaman para alam mo lahat ng nangyayari sa paligid.

Ilan pa sa mga video:

Ilang bahagi nakuhanan ng camera

Flash Flood (Sendai Airport)

Tsunami Hit

Giant Whirlpool

at marami pa dito..

Pinagkunan:  YouTube, Jalopnik, NAOAA Center for Tsunami Research, Gizmodo

Banggaan sa Riles

LRT Crashed

Ano ‘to? Ano nangyari? Pambihira naman. So eto pala yung pinapakita na deserving lang sila mag-taas ng pamasahe. Para sa akin, ok lang magtaas sila pero wag lang nila papabayaan ang serbisyo nila. Kung ganito pa mababalitaan mo, parang nakakawalang gana na.

Sa LRT, nakaka-BAD TRIP walang CR (Comfort Room). Pati ba naman yon pinagdadamot nila. Kung kelangan mo man gumamit, kelangan magtatanong at magpapaalam ka pa saan at makiusap na gumamit ng CR. Lamang lang ng konti sa MRT, at least kahit mabaho at walang tubig pwede mong i-raos ang tawag ng kalikasan.

Public terminal. Diba dapat lahat ng needs at comfort ng commuting public i-provide nila. Bakit kelangan, magtatanong ka pa. Tapos, technical problem daw kung bakit nangyari yan. Pambira talaga. Pinagtanggol pa nila mga nagta-trabaho sa kanila. KAPABAYAAN yan kung bakit nagka-ganyan.

Ganon naman parati. Kapag may aksidente, magaling tayo sa sisihan. Walang maayos na sagot. Lahat palusot. Kawawa naman ang mga susunod na henerasyon, mamanahin nila lahat ng katarantaduhan nangyayari sa paligid natin ngayon.

Ang tren, may sariling riles. Sariling daan. Wala na ngang silang kaagaw sa trapik, nagbabanggaan pa. Ilan pa sa mga kuha:

Pinagkunan: Yahoo! (Fit to Post)

%d bloggers like this: