Posts Tagged ‘ apple ’

Stay HUNGRY.. Stay FOOLISH

Steve Jobs 1955-2011

..he will be remembered..

RIP Mr. Steve Jobs..


Wag ka bumili ng iPad

iPad

Bakit? Hindi lahat ng bagong labas maayos at walang problema sa pagkakagawa. Bagamat dalawang buwan na ngayon, magi-isang taon na buhat ng ilabas sa market ang iPad sa buong mundo mas praktikal pa rin bumili ng gamit partikular mga gadget na may mga updates sa firmare o software sa kanilang device. Bugs o mga security crack ang madalas na problema sa mga bagong labas kaya mahalaga at importante ang pag-test (beta-test) para malaman ang kulang o problema sa bagong gawang produkto.

Hindi siguro uso ang beta-testing sa Apple, kagaya ng iPhone na nasa 4th generation na ngayon. Pinaliliwanag nito na walang perpektong produkto na lahat ng gusto mo ay pwedeng makita sa iisang gadget. Pero importante na maresolba nila ang problema  sa usability ng produkto para mapakinabangan kung saan at paano ito magagamit ng maayos at epektibo.

Sa article na nilabas ng Gizmodo, pagkaraan ng anim na buwan simula ng ni-release ang product ang pinakamainam na panahon para bilhin ito. Makikita ito dahil marami ng nagsulputan na counterpart ng iPad na ilan sa problema at kakulangan nito ay nilagay nila sa produkto nito. Andyan ang Galaxy Tab ng Samsung, Slate ng HP, Streak ng Dell, at marami pang iba na makikita sa Internet.

Hindi rin nalalayo sa marketing strategy ng Microsoft ang ginagawa ng Apple. Parehas lang sila nagku-kumpetitsyon para kumita at i-brainwash ang isip ng mga tao na dapat meron ka ng kung ano ang pinakabago nila. Ayaw nila ng simple, kelangan medyo complex, all-in-one, mga features na hindi naman kelangan, at kinang ng panlabas na itsura ng produkto ang dapat meron ka. Maliban na lamang kung marami kang pera, hindi problema yan. Kaya lang mukhang nagi-invest ang mga kumpanya na gumagawa ng mga ito ng basura at kalat sa kwarto, bahay at opsina natin sa mundo ngayon.

Masamang epekto ng teknolohiya.

Pinanggalingan: Gizmodo: Do Not Buy an iPad

Apple Craze

Apple Hype vs. Consumer Reality

Maraming naaantig at nasasabik sa bawat produkto at teknolohiya na nilalabas ng Apple. Ng lumabas ang iPod, Nano, iPhone, MacBook tapos ngayon iPad lahat gusto na magkaroon  kung ano ang bago at ilabas nila. Sa bawat speech o talk ni Steve Jobs, lahat ay napapaniwala na ito na at sila na ang babago sa lifestyle at trend ng mga gadgets at computers sa ngayon.

Walang duda, kita naman. Pati nga sa computer world, tinatapatan na nila ang Microsoft sa kung ano meron. Ok lang din, para may kompetisyon at hindi lang tayo stick sa iisang gumawa. Na kahit mga gumagawa ng sub-standard na gadgets ay sila ang inspirasyon sa paggawa ng bago nilang produkto.

Source: Cracked

%d bloggers like this: