Posts Tagged ‘ pananaw ’

Tanggap mo ba ang pagiging TANGA?

Sila ang mga Dakilang..
Ayon sa makabagong diksyonaryo ang kahulugan ng salitang ‘TANGA’ sa wikang Tagalog ay ang pagiging stupididiotfoolish at ignorant para sa wikang Ingles. Sa tingin ko masyadong malawak ang pagpapakahulugan nila sa salitang tanga. Bagamat negatibo ang konsepto, napansin ko na halos lahat tayo ay nakakaranas ng pagiging tanga, kung pagbabasihan natin ang mga senaryo na pinapakahulugan nito sa araw-araw nating buhay.

Ilan sa mga sumusunod ay ilan sa mga bagay na pwede ka ‘daw‘ sabihan o nasa estado ng pagiging tanga:

  1. May usapan na makikipagkita ka sa kakilala o kaibigan mo, pero dahil pinapaburan natin ang tradisyon na Filipino Time, ok lang maghintay kahit na magmukhang tanga.
  2. May interview ka para mag-apply ng trabaho. Maaga kang dumating, pero dahil sa dami ng naga-apply at hindi organisadong sistema ng employer, pababalikin ka na lang sa ibang araw sa dami ng aplikante na naga-apply.
  3. Natanggap ka sa trabaho. Dahil kelangan sumunod sa regulasyon at polisiya ng kumpanya tungkol sa kanila, kelangan isuot mo ang baduy mong uniform o kaya gawin ang mga kakaibang bagay dahil nasa trabaho ka nga at kelangan mo ng pera pag sweldo mo.
  4. Nayaya ka ng barkada mo sa grupo ng kanyang barkada. Dahil kelangan mo makipag-bonding at magkaroon ng bagong pwens, makikiayon ka din sa mga pinka-cheesy at kabaduyan wag ka lamang ma-out of place sa tropa.
  5. Marunong ka tumugtog ng instrumento (gitara, bass, piano, etc). Pero kelangan mo ng ka-jamiming at matigil ang one-man-band show mo sa tropa. Makiki-join ka sa tugtugan ng ilang juma-jamming, kahit hindi mo maintindihan tugtugan nila. Pilitin mo na lang intindihin, at least may banda ka.
  6. May programa sa kumpanya na pinapasukan mo. Pinag-grupu-grupo kayo para magtanghal sa foundation day. Nabunot nyo na sasayaw kayo ng grupo mo ng naka-bahag ng Ari-king-king sa araw na yon. Simula bukas pagkatapos ng duty ang praktis doon sa may Receiving Area sa labas sa parking kung saan maraming nagdadaan na tao.
  7. Kapos ka sa budget. Nagyaya ang mga pwens mo mag-Starbucks doon sa SM, tapos pag maaga pa tuloy kayo Metrowalk doon sa may Ortigas.
  8. Lunch break. Napag-usapan ng office mates mo na KFC naman sa araw na ‘to. Sakto lang dala mong pera para sa pamasahe. Malas pa at sarado ang canteen na pwede kalahati lang order-in na ulam.
  9. Topic ng usapan ng tropa hindi ka maka-relate. Umaatikabong diskusyon ang palitan ng kuru-kuro ng bawat barkada mo sa topic. Wala kang masabi kase ngayon mo lang narinig yon.
  10. Nakapanood at sumusubaybay ka ng isang palabas sa TV. Gustong-gusto mo ang takbo ng kwento at papel ng gumanap. Wala ni isa sa tropa o kaibigan mo nanonood o may gusto sa pinapanood mo.

Marahil ang ilan ay hindi angkop at depende sa sitwasyon. Pero hindi lang natin napapansin, kapag  may nagsabi sa isa na ‘mukha kang tanga dyan‘, walang reaksyon ang sinasabihan o malamang masyadong malawak lamang ang kahulugan o wala pa talagang tiyak na kahulugan.

Ano sa tingin mo. Mukhang tanga ‘no?

Pinagkuhanan ng kahuluganUrban Dictionary at Tagalog Dictionary

Concern ka ba sa Basura?

Saan ba napupunta ang Basura?
Dumadami tayong mga tao sa mundo. Kapag may nakadiskubre sa isang lugar at tinirhan ng maraming tao, nagiging madumi, makalat, mausok, maingay at magulo ang dating tahimik na lugar. Kasama na dyan ang mga nagkalat na mga batang hindi mo alam kung pinabayaan ng mga magulang o talagang wala ng kalagyan sa kanilang tiinitirahan.

Sa bilis ng takbo ng araw, hindi natin pinapansin ang munting kalat, pinagbalatan, pinagbalutan, plastik na lalagyan, etc kung ano mangyayari kung itapon na lamang ito kung saan-saan. Nakakalungkot isipin, na kahit ang mga musmos na kabataan ngayon, parang bale wala sa kanila kung ang lahat ng isipan ng tao na kung saan na lamang itatapon ang mga basura at kalat.

Oo nga, kinokolekta ng mga basurero, nagbabayad ang pamahalaan para mapulot at maitapon ang basura sa isang komunidad. Pero naisip ba natin kung ano mangyayari sa isang lugar na pinagtatapunan kung puno na din ng basura ang kanilang lugar? Tapos, sasama ang loob natin sa kalikasan samantalang tayo din ang pumapatay unti-unti sa ating planeta.

Kay gandang kinabukasan.

PinagkuhananCracked

Gin-Use ka ba?

Mahilig ka ba sumagot sa mga Quiz, Trivia o Puzzle? Sa Facebook maraming applications at mga games ang makikita at may magi-invite sa’yo. Kaya naman maraming pagbabago at higpit ang inimplementa nila para mabawasan eto at hindi basta-basta lalabas sa profile hanggang sa i-alow ng user, tsaka pa lamang lalabas.

Popular yung FREE iPAD scam, mga sex scandal at yung mga FREE webcam chat na malamang naka-click na rin minsan. Tapos sankaterbang pop-up lalabas sa browser mo na yun pala, may dalang virus at mga trojans at  worms ang mapupunta sa computer mo na hindi mo nalalaman.

Ang galing ng mga naka-imbento nito. Kaya naman pinuputakte ng protesta ang Facebook at Twitter pagdating sa security and privacy nila at hindi alam ng user kung safe pa din ba ang account nila. Pero kung gusto mo talaga ng mga ilang quizz at trivia, heto punta ka DITO. Madami din yan, ewan ko lang kung di ka pa makuntento sa mga pakulo nila.

LinkOnePlusYouReuters

Login o Visit

Hanapin sa Inernet
Sa mga anunsyo at palabas sa lokal na TV at Radyo, kalimitang sinasabi ng mga anchor o anouncer na kung meron silang web site, kelangan mong mag-login para makita ang gusto nilang sabihin para sa iba pang mga detalye.

Parang hindi yata angkop sabihin na login kase, pwede mo namang makita yung laman ng site kahit nagb-browse ka lamang. Maliban na lamang na secure o kelangan mong mag-comment o magpadala ng mensahe, rekwayr na ibigay mo ang pangalan at email address mo. Lalo na kung may privacy na tinatawag sa mga account at profile mo katulad ng Email Account, Profile sa mga SNS (Social Networking Sites) gaya ng Facebook o Twitter.

Kalokohan ang sinasabi nilang mag-login, kase pwede mo naman makita yung site nila kahit hindi na mag-login. Hindi ba nila napapansin yan o talagang ignorante tingin nila sa mga Pilipino. Ano sa tingin mo?

%d bloggers like this: