Posts Tagged ‘ pinas ’

Kanino ba ang Pilipinas?

Nagkakagulo na sa Spratlys.
Kanino ba talaga yang isla na yan?
Ang Pilipinas? Kanino kaya?

Advertisements

Wala na ang NU107

NU 107

Nitong nakaraan lamang, biglaan ang anunsiyo ng FM Station na NU107 dito sa Pilipinas na huling broadcast na pala nila nitong sabado. Nag sign-off na sila effective November 7, 2010. Andito mga detalye sa pahina ng Wikipedia.

Sa mga kasisibol lang na kabataan ng henerasyon ngayon, malamang bale wala ang stasyon na eto sa FM. Kase mas normal sa FM na pakikinggan natin ngayon sa Pilipinas, yung mga nagtatawanan, daldalan, at mga nagpapatugtog ng mga hindi ko maintindihang mga tugtugan ngayon. Produkto ng sumikat dahil sa milyong viewers sa YouTube, wala ng pakialaman kung maganda o maingay ang mga awitin at kanta ngayon. Marahil dahil sa mas namulat ako ng 90’s, kung ikukumpara mo ang tugtugan ngayon, wala talaga akong makitang katuturan sa mga pinpatugtog at ginagawang kanta ngayon (sorry po!).

Balik tayo sa NU. Para sa ilan, sila daw ang Rock Station na umusbong sa Pilipinas. Kung medyo late bloomers (50’s-70’s) RJ malamang ang para sa kanila. Kung medyo 80’s to late 2000, NU107 ang mas kilala pagdating sa pure rock music na maririnig mo sa FM. Pero para sa ken, parang hindi nila nabigyan ng credit ang radio station na LA 105.9 (wala na ang orig na LA, sister company na lang ng RJ ang umeere ngayon, check nyo dito). Pwede nyo sila makita sa Facebook at pakinggan ng livestream dito.

Ang alam nila sa NU 107 nagsimula o narinig mga demo song ng Wolfgang, The Teeth, Razorback, Backdraft, Death By Stereo, Tribal Fish, at iba pang bandang sumikat at nalaos na sa ngayon. Ang ilan sa kanila, na-disband, nag buo ng bagong banda, nag-solo, naging adik, nag-migrate at guamgawa pa rin ng kanta sa ngayon. Pero ganumpaman, malaki pa rin ang naging papel ng NU sa musikang pinoy lalo na sa mga bumubuo ng banda kase sila ang tumagal na umere sa atin pag dating sa mga rock music.

Sana kung anuman ang papalit o ma-reformat ang ┬áNU, rock station pa rin sila. Wala na kaseng stasyon sa FM ngayon sa pinas na mapapakinggan na maayos-ayos ang mga pinapatugtog. Sana mabuhay uli ang dating ginagawa ng LA at NU ng 90’s na concentrate sa music. Hindi dahil sa sikat ang artist, milyon ang viewers sa YouTube ng video nila, maangas ang MTV nila, kundi mag-focus sa uri at kalidad ng kanta o awit na ginagawa o tinutugtog nila. Pinatay niyan ang musika sa mundo, kung hindi mababago yan tuluyang wala ng matinong tugtugan maririnig ngayon.

PS.

Sana wag lang NU 107 ang i-credit natin. Ang dating LA 105.9 din at RJ-FM ang haligi ng original homegrown rock music dito sa Pilipinas.

%d bloggers like this: