Posts Tagged ‘ rock ’

Hindi kita.. Kadugo..

Filipino Music 'Alternarap'

Kasangre
Skrewhead

Ako ay sumulat, para ikaw ay magulat
at ng  isa-isahin inyong pagkatao
Ika’y aking isisiwalat ang iyong pagkatao
Ginagawa at inyong tinatrabaho.

Wala ka bang konsensya sa ginagawa mo
Ang bagay sa iyo ay tanggalin ang ngipin
Para sa ganon matuyo ang kaluluwa mo
Doon sa impyerno kasama ng mga demonyo

ANG KAPAL NG MUKHA MO, HINDI KITA KADUGO

Hayup ka, ibang klase ka rin
Kapag ika’y nagutom walang patatawarin
Kung di nakita akala ko’y santo
Wala kong alam masahol pa sa buwaya

Ugali mo, akala mo kung sino
Nademonyo kita, buhay ko’y nagulo
Nasa’n ang pangako ando’n nakapako
Bagay sa’yo sa krus ay ipako.

Magnanakaw, mandaraya
At manloloko sa inyong kapuwa.
Kami’y iyong nabikitima
Hindi ka na naawa.

..hindi ko alam ang lyrics, hindi ko din makita sa internet..

..pwedeng may mali.. pero nilagay ko na lang kung ano narinig ko..

Nakita ko DITO (salamat po)

Spider Riff

Mahirap sa simula. Pero sa katagalan at laging ginagawa, mahahasa din ang daliri at kamay. Pagagapangin mo daliri mo sa fret ng gitara. Whew! Hirap.

Bangis talaga ni Mustaine. Orig at lupet ng trademark nya sa pag-sipra ng gitara.

Dave Mustaine
Megadeth

Squealing Guitar

Naalala ko pa sya. Sayang wala na sya. Binaril sya. Trademark nya magpaiyak sa pitch ng gitara. Galing. Wala na yatang makakagawa ng ganitong mga innovations sa pagpapatugtog ng gitara. Sayang talaga. Nami-miss ko tugtugan nila.

Yung tugtugan ngayon… wala kong masabi. Pinapatay na nila ang rock scene.

Hindi lang sa Pilipinas. Buong mundo.

RIP Dimebag Darrell
(Pantera – Lead Guitar)

%d bloggers like this: