Posts Tagged ‘ technology ’

You see me.. now you don’t

Cloaking Dress malapit na magkaroon.

Sa video na yan, pinakita gamit ang isang camera at manipis na tela (pero di pangkaraniwan) na makikita mo ang anumang bagay na nasa likod ng nagsusuot ng cloak dress na yan. Bagama’t medyo malabo pa, idinisenyo noong 2003 ni Susumu Tachi ito para gamitin sa sasakyan pantulong sa driver na makita ang nasa gilid at natatakpan na kaha ng sasakyan sa labas.

Kamakailan, may bagong tuklas muli na mas improve at hindi na gumagamit ng kapa o damit ang kasalukuyang sinasaliksik ng mga eksperto. Gamit ang isang tumpok ng crystal at walang camera matagumpay nyang naisagawa na maitago ito. Maaari nyong makita ang ilan pang detalye dito.

Maganda ang hangarin nila na mapagtagumpayan ito. Sana lamang ay gamitin ito sa mabuting paraan at hindi sa mga bagay na pansarili at walang kabuluhang bagay na ikakapahamak ng iba, paligid at ng ating planeta msimo.

Pinagkunan: Tachi Lab, Guardian.co.uk[1][2], YouTube

We are all Cyborgs now

Sobrang advance na ng technology ngayon. Sa dami ng mga naiimbentong bagay at gamit, (gadgets sa popular na tawag) na pinagkakaabalahan at gustong magkaroon ng bawat isa, dinaig pa natin ang robot sa butintingan at kalikutan ng mga maliliit na bagay na makikita sa kahit sinuman ngayon.

Ang nakakapagtaka lang, sobrang lakas ng impluwensya ng media at kung ano ang bago at ipakita sa market at ito ay bago, gusto kaagad ng mga tao na magkaroon at gamitin dito. Siguro pang-impress sa kakilala o pamilya kaya gusto nila na magkaroon. Sadyang mas mahalaga na yata ang KAGUSTUHAN sa talagang KAILANGAN.

Sa maraming pera at hindi ito ang problema, walang kaso. Pero papaano sa mga nagiipon na bumili nito? Naisip ba nito na akma ito sa araw-araw nilang buhay. Halimbawa sa mobile phones, kelangan ba talaga na may wifi o video player ang unit mo kung ang talagang silbi ng telepono ay pantawag at pang-recieve ng text message? Sa TV, kelangan ba HDTV ang bibilhin mo kung puro piratang DVD, downloaded sa torrent na movie o Eat Bulaga o Teleserye lang ang papanoorin mo? Kelangan ba talaga, in High Definition ang TV mo?

Sa computer, kelangan ba talaga naka-i7 processor o Sony Vaio/HP/MacBook Pro ang bibilhin mo? Yung pinaka-latest ba ang solusyon sa lahat ng problema sa bagal at problema ng mga lumang unit ng computer? Kelangan ba naka-Windows 7 ang OS mo (kahit pirata)?  Kung magpe-Facebook at Youtube lang naman ang gagawin mo sa computer?

Beyonce Hand-Robot

Hindi ko alam. Pero sadyang naka-program yata ang tao na mag self-destruct. Likas sa atin ang pagtalunan ang mga bagay-bagay at walang pagkakuntento sa buhay.

Pinagkunan: TED

%d bloggers like this: